Kaluluwa sa Lansangan

Naririnig ko nanaman ang kanilang mga sigaw, paulit ulit..paulit ulit. Sigaw ng mga kaluluwa sa langsangan na pinagkaitan ng karapatan at pagasa. Hawak sa marurumi nilang mga kamay ang bandera ng kanilang ipinaglalaban, simbolo ng kanilang paninidigan. buong tapang na lumalaban, humihiyaw.. KARAPATAN!!

Balitang balita ngayon ang PUP dahil sa halos araw araw na kilos protesta ng mga estudyante laban sa nakaambang na pagtaas ng matrikula sa pamantasan. Makailang ulit na ipinakita ang paghahagis at pagsusunog ng mga estudyante ng ng mga bulok at sirang mga kagamitan na anila’y hindi naman na mapapakinabangan pa at ilang taon na ding hindi mapakinabangan. Naging isa itong mabigat na isyu na umani ng ibat ibang reaksyon mula sa mga nakapanood at mismong nakasaksi ng mga pangyayari.


Nagulat ang aking pamilya ng mapanood nila ang balita. Hindi raw tama ang ginawa ng mga estudyante na paninira at panununog at itinuring nila itong maling paraan ng pagpoprotesta. Ganoon din ang sinasabi sa isang Fanpage sa facebook na syang kumokondena sa aksyong ito na ginawa ng mga taga PUP bilang pagpoprotesta. Ilang tao doon ang tila bumaba raw ang tingin sa mga magaaral sa PUP dahil dito. May iba pa na nagpakita ng matinding pagkahabag sa mga nasirang gamit, at may mga ilan pang nagbigay ng opinyon tungkol sa nakaambang na pagtaas ng matrikula sa PUP. –“kung magtataas man ng Tuition Fee sa PUP, maging challenge ito para sa mga ,magulang at estudyante, Magbanat sila ng buto at hindi puro asa lang“- sabi ng isa na magaaral din daw ng PUP na nagbibigay ng kanyang opinyon sa TFI. At makailang ulit pa, mula sa iba pang mga tao , pinagdiinan nila ang pagbabanat ng buto at dobleng pagkayod sa oras daw na magtaas ang matrikula, huwag umasa lang ng umasa palagi.

Anong karapatan ng mga taong iyan na magsalita tungkol sa mga nangyari kung ang tanging pinagbasehan lamang nila ay ang mga napanood nila sa telebisyon, at ang tanging impormasyon na nalalaman nila tungkol sa isyu ay ang mga inilahad ng di patas na pamamalita. Papaano mo maituturing na maling pagpoprotesta ang ginawa ng mga batang magaaral na ito kung ang tnaging layunin lamang nila ay ang pagtatanggol sa mga kagaya nilang kabataan na tinanggalan ng karapatan na makapagaral at niyurakan ng mga pangarap. Kahit papaano kong tignan ay wala akong makitang mali sa mga nangyari dahil kahit kailan ay hindi magiging mali ang pakikipaglaban para sa tama.

Siguradong lingid sa kaalaman ng mga taong iyan na pilit humuhusga sa mga nagpoprotestang istudyante na ang pagtaas ng matrikula sa aming pamantasan ay matagal ng isyu, at matagal na ding nilalabanan ng bawat iskolar ng bayan. Makailang beses na silang humingi ng pagkakataon sa pangulo ng pamantasan na kausapin sila tungkol dito ngunit tila ata bingi ang dapat sanang itinuturing naming ama ng pamantasan. at tila ata binulag na din niya ang kanyang sarili sa katotohanang pinapakita sa kanya ng mga iskolar ng bayan. Makailang ulit ding nagpabalik balik ang mga iskolar ng bayan sa tanggapan ng CHED, halos linggo linggo ata ay may ganitong pagkilos na nagaganap sa aming pamantasan, ngunit lahat ata ng inaasahan ng mga iskolar ng bayan na tumulong at makikinig sa kanila ay tuluyan ng nagpanggap na mga bingi at bulag. Maging ang kanilang mga sarili ay nagawa nilang linlangin. Kaya walang karapatan ang sinu man na sabihing mali an ginawa ng mga iskolar ng bayan, na masyado silang marahas at itinuturing pang mga barbariko. Ang ginawang aksyon ng mga iskolar ng bayan ay nagpapatunay lamang na ang Administrasyon ni Dr. Dante Guevarra at ang ating gibyerno ay hindi makikinig, at kailan may hindi titingin sa mga estudyante sa mapayapang paraan. Sila mismo ang nagtulak sa mga iskolar ng bayan para gawin ang itinuturing ng karamihan na marahas at maling paraan nila ng pagpoprotesta. Makailang beses nilang binalewa ang mga istudyanteng nakikiusap sa kanilang harapan na mapakinggan, ilang beses silang nagwalang bahala na nagpapakita ng mababang pagtingin nila sa kakayahan ng sama samang pagkilos ng mga iskolar ng bayan.
Ano ba ang mas marahas? Ang pagtapon at pagsunog ng mga sira at hindi na mapakinabanagn na kagamitan o ang pagsira sa buhay at pangarap ng libulibong kabtaang Filipino? Sabi nga ng isang tumatakbo ngayon sa pagka presidente Ang pagtaas ng matrikula sa PUP ay DEATH SENTENCE para sa libulibong kabataang Filipino.PUP lamang ang tanging pamantasan na nagbibigay ng abot kayang matrikula sa buong kapuluan. Sa pagtataas ng halos 2000 porsyento ng matrikula sa aming pamantasan, madaming kabtaang mahihirap ang matatanggalan ng pagasa at pangarap na makapagtapos ng pagaaral. Ano ba naman ang simbolikong paghahagis ng mga sirang kagamitan sa kawalanghiyaan ng kasalukuyang administrasyon sa PUP at maging sa atin bansa.

Magbanat ng buto? Isang malaking insulto para sa mga mahihirap ang pagsasabi sa kanila na magsumikap at doblehin pa ang kayod upang makapagbayad sila ng mataas na matrikula. Gaano ba kadaling humanap ng magandang trabaho ngayon na may maganda at karapat dapat na sahod? kapiranggot na porsyento lang ng mga Filipino ang makakapagsabi na maganda at karapat dapat ang kanilang kinikita kung ikukumpra sa porsyento ng mga taong ni panlaman tyan para sa kanilang sarili ay si sapat ang kinikita. At ang mga taong ito, kahit baliktarin pa natin ang mundo, walang katumbas ang hirap at tyaga nila sa pagtatrabaho.Dikit na sa lupa ang kanilang mga nguso sa sobrang pagsusubsob ng kanilang mga sarili sa pagtatrabahao, ngunit ano ag ibinibigay na kapalit dito ng mga taong pinaglilingkuran nila?… ang kakarampot na sweldo. Subukan ng mga huwad na taong ito na nagpapamuka ng kanilang magandang trabaho at sweldo na lumagay sa pwesto ng mga mahihirap na tao, baka unang pagpatak palang ng kanilang pawis ay hindi na nila kayanin. Sino man ay walang karapatang manghusga sa mga mahihirap na kaya nila dinadanas ang ganoong kalagayan ay dahil hindi dila nagsisikap, wala silang karapatan! lalo na yung mga taong hindi naman nakaranas ng kanilang paghihirap.

Sa panahon ngayon na ang tanging binabatayan para makuha mo ang pinapangarap mong propesyon at ang tanging pagaasa para maahon sa tila walang katapusang kahirapan ay ang iyong diploma, papaano na kapag libulibong kabataan ang hindi makakapagtapos dahil ang tanging pamantasan na nagbibigay sa kanlia ng pagasa ay tuluyan na silang tinalikuran at pinagkaitan.

Sa kahit anong paraan pa man yan, kahit anong pananakot at pagpigil man ang gawin at sabihin nila, ang mga ISKOLAR NG BAYAN ay hinding hindi nila mapipigil sa pakikipaglaban at paninindigan sa kanilang mga karapatan! kailan may walang kahit sinong makakapigl sa sama samang lakas ng mga kaluluwa sa lansangan na ang tanging ipinaglalaban ay ang tama!

Advertisements

~ by angmalaya on March 25, 2010.

One Response to “Kaluluwa sa Lansangan”

  1. Mabuhay ang mga Iskolar ng Bayan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: