PALAYAIN ANG PUP 5!

Sa bansa na ang pakikipaglaban para sa karapatan at paninindigan sa tama ay itinuturing na isang krimen, tila ang tunay na hustisya’y imposibleng maranasan.

Limang estudyanteng lider sa PUP ang kinasuhan ng pagnanakaw dahil sa paglalabas ng mga ito ng ilang sirang kagamitan ng paaralan upang dalhin at ipakita sa CHED na tunay na ang pasilidad sa PUP ay sadyang niluma na ng panahon at hindi na mapapakinabangan pa. Ang mga estudyanteng ito ang siyang nagunguna sa mga kilos protesta ng mga magaaral ng PUP laban sa hindi makatarungang pagtataas ng matrikula sa pamantasan, na mula 12php per unit ay magiging 200 php per unit na ito. Makikita na halos 2000 porsyento ang itataas sa matrikula kung sakali mang matuloy ang tangkang ito.

Tutulan ang di makatarungang pagtaas ng matrikula!

Anong magyayari kapag ang tangkang pagtataas ng matrikula sa PUP ay natuloy?

Libu libong kabataang mahihirap ang tuluyan ng mawawalan ng pagasa pang makapagtapos ng kolehiyo. Ang tanging karapatan ng mga kabataan na dati’y akala nilay natatamasa pa din nila ay ngayo’y bigalaan nalang ninakaw sa kanila. Ninakaw ng hindi man lamang nila nalalaman, ninakaw sa kalagitnaan ng kanilang pagasa at pangangarap na akala nila’y matutupad pa.

Ngayon, sa gitna ng pakikipaglaban ng mga iskolar ng bayan para sa karapatan ng bawat kabataan, pakikipaglaban para sa dekalidad, malaya at makabuluhang edukasyon, at sa gitna ng kanilang paninindigan para sa tama, sila pa din ang pinalabas na may sala. Agad na hinuli at kinasuhan ng pagnanakw upang ang mga ito ang lumabas na mali at masama at hindi na sila paniwalaan pa ng taong bayan. sila’y Inakusahan ng krimen na syang ang mga nagakusa ang dapat magtamasa. Idinetina sa salang pagnanakaw habang ang mga tunay na magnanakaw ay patuloy na malaya. Tunay ngang baliktad na ang hustisya sa ating bansa at ang kinikilala lamang nito ay ang mga taong nagsusulong ng kamalian.

Ngunit sa puso ng mga taong nakakaalam ng tunay na hustisya, kailan ma’y ang mga ginawa ng mga estudyanteng lider na ito ay hindi maituturing na isang krimen bagkus ay isang kagitingan at kabayanihan. Sila na hindi alintana ang baluktot na batas  at nalalaman ang kanilang sasapitin sa kamay ng maduming hustisya sa ating bansa, patuloy pa din silang lumaban at nanindigan para sa tama at karapatan ng lahat. Silay matapang na lumabas at hinamon ang mga gahamang kriminal na nakaupo para sa pagtatamasa ng lahat ng dekalidad, tunay at abot kayang edukasyon.

Ang pakikipaglaban para sa karapatan sa edukasyon ay kailan ma’y hindi magiging isang KRIMEN! ang pagnanakaw sa karapatan ng libu-libong Filipinong mahihirap na makapagaral ang syang tunay na krimen. Silang mga nagaalis sa mga kabataan ng karapatan ang siyang tunay na magnanakaw at dapat ikulong!

Ang pakikipaglaban sa dekalidad at abot kayang edukasyon ay kailan ma'y hindi magiging isang KRIMEN!

PALAYAIN ANG 5 ESTUDYANTENG LIDER!! PALAYAIN ANG MGA TUNAY NA BAYANI!!

Advertisements

~ by angmalaya on March 26, 2010.

2 Responses to “PALAYAIN ANG PUP 5!”

  1. TAMA ANUNG MALI DUN EHH SA PINAKITA LANG NAMAN NUNG MGA ESTUDYANTE SA CHED YUNG MGA LUMANG KAGAMITAN DI BA? MARAPAT BA NA KASUHAN AGAD SILA NG PAG NANAKAW? PEDE NAMAN ATANG IBALIK YUNG MGA GAMIT NA IYON E. AT ISA PA ESTUDYANTE SILA SAYANG ANG KANILANG EDUKASYON KAYA DAPAT SA MGA YAN PALAYAIN NA!!!

  2. isasama ko po sa aking mga panalangin ang pagpapalaya sa PUP 5. I myself is a graduate of State College kaya alam ko kung paano nakikipaglaban ang bawat mag-aaral sa tuition hike. At alam ko din kung gaano na naiiwan ang kalidad ng edukasyon lalo na sa mga lalawigan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: