HIYAW ( Asong Hustisya )

by: Den

kalayaan

(Hustisya…. makakamtan pa nga ba??? kung ikaw ang palad ng kagitingan,
sandingan ng katarungan ang sya ring may pakana???)

Nakakatakot…
Nakakakilabot…
Dahil nagkalat ang mga asong ulol sa lansangan

(pakawala ng bwitreng may putong na korona)

Sila’y nagtatago…
Sila’y nagkukubli….
sa maskara ng kagitingan.

Mga hunyangong nagbabalat kayo
gamit ang puting pandong ng hustisya

NAKATAKOT!!! NAKAKASUKLAM!

Dahil hindi mo lalam kung kailan sila mananakmal…….
kung kailan ka sasakmalin.

Hindi mo alam kung kailan manlalapa…..
Kung kailan ka lalapain.

Hindi mo alam….
HINDING HINDI MO MALALAMAN!
ni hindi mo man lamang mararamdaman,
ang nakambang panganib.

Kung kailan itatarak sa buo mong kalamnan
ang mapupurol nilang pangil!

Mga Pangil na naglalaman ng kamandag na kayang kumitil
at SIGURADONG kikitil!

ng buhay..

ng kaluluwa’t pagkatao.

kaya’t ikaw. KAYO!!!

Magsipaghanda…

pagtibayin ang iyong baluti..
itaas ang iyong sandata!

kayong mga mandirigmang may hawak ng lantay na hangaring maglingkod sa tinubuang lupa..
kayong mga MANDIRIGMANG ang tanging layon at adhikain
ay abutin ang kamay ng mga kaluluwang kinuyom na sa palad ng kahapon…
abutin ang kamay mga kaluluwang binaon na sa limot
at sa usok ng huwad na kaunlaran sa nayon.

Huwag nyong hayaang lamunin ng karimlan
ang sinag ng pag-asa…

huwag magpasindak sa banta
(huwag mag pasindak sa banta)

ipaglaban ang karapatan
ipagpatuloy ang laban
humiyaw! wag tumigil sa pagsigaw!


KALAYAAN!!


HUSTISYA!!
HUSTISYA!!


HUSTISYA!!

Advertisements

~ by angmekanismo on March 29, 2010.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: