Isang Ilusyon

Bughaw

At tanging bughaw

Ang kulay na naglalaro

Sa pinid kong isispan.

Bughaw

At tanging bughaw,

Ang kulay na bumubuo

Sa daig-dig kong ginagalawan.

Di ko naisip…

Hindi ko naisip,

Ni suamgi man lamang sa hugkang kong kamalayan

na…

Hindi lamang sa dalisay na kulay

Nabubuhay ang mundo

Kung hindi…

Pati sa salimuot

na gawa ng tao.

~ by angmalaya on May 3, 2010.

Leave a comment