Alay

Sisigaw ako!

Hanggang sa ang aking mga litid

ay tuluyan ng maputol.

Tatakbo ako!

hanggang sa ang aking tsinelas

ay tuluyan ng mapudpod,

hanggang sa ang aking mga paa

ay tuluyan ng maputol.

Magsuslat ako!

Hanggang sa maubos na ang pluma

ng aking panulat,

Hanggang sa Lamunin na ng kalyo

ang  mga daliri’t palad.

Guguhit ako..

hanggang sa matabunan ng pulang tinta

ang paligid ng mga alimuyong naghahariharian.

Iguguhit ko ang kasaysayan,

ang katotohanan sa likod ng mga

pangakong matamis

sa likod ng mga mukang animo’y santa’t

panday ng liwanag’t pagasa.

Iguguhit ng aking pudpod na pinsel

ang nagkukubling demonyong

may tangang sampung sungay

sa likod ng kanilang maaamong maskara.

Gagamitin ko ang aking

lakas..

Isip…..

Puso’t Kaluluwa

Hanggang sa wala ng matira’t

Lamunin na ng Lupa

ang buo kong pagkatao…

Para sa iyo.

Para sa masang patuloy at patuloy paring

pinagsasamantalahan

ng mga mapagbalat kayong tagapagligtas

na may bitbit ng timbangan ng hustisyang

ang scala ay depektibo’t palayado na.

Hustisyang pantay lamang sa perspektibo

ng mga uring naghahari.

Hustisyang masarap lamang sa pandinig

ng mga uring sa pilak ay nahihimbing.

di ako titigil!!

di kami tiitigil!!

hangga’t hindi dumarating ang hanging magtatabo’y

sa nakakasulasok na na sistemeng bumabalot

sa perlas na aking kinagisnan.

hindi kami titigil

hangang sa dumating ang araw na ang sinag na bubungad

sa aming durungawan ay ang tunay at wagas na liwanag ng pagbabago.

Advertisements

~ by angmalaya on May 16, 2010.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: