Time Machine (Parang Lasong Dala ng POst MOdernism)

Diba ang sarap mag-isip??
lalo na pag nasa biyahe ka…
Masarap yung hampas ng hangin..
kahit medyo maalinsangan okay lang (pantanggal pawis din).

Ang sarap talagang mag-isip,
maraming kakaibang bagay ang napagmumuni-munihan,
madami ring interesanteng bagay sa palagid ang nasasaksihan,
minsan ang simple lang pero kakaiba, yung hindi mo malilimutan.
Ang lupet! Ang galing talaga.

Ang saya mag-isip, para kang nasa time machine ng hindi mo mawari kung pasulong ba..
o pabalik sa nakaraan.
Basta ang alam mo lang, yung pakiramdam parang wala ka sa reyalidad.
Ang kulit! lalo na pagmalikot din ang isip.
Pag bumuka na ang bagwis ng imahinasyon sa loob ng latang de gulong..
wala ng makakapigil.. maaliw kana at tuluyang mapapasailalaim sa alindog ng gising na panaginip.
At sabay sa pagliko ng manebela.. sabay kambyo din ng malayang at makulay mong kaisipan, ng makulay mong mundo na nabuo dahil sa tagpi-tagping ilusyon dulo’t ng kung ano-ano.
Ang sarap ngang mabuhay sa sarili mong mundo.. parang sana wag nang matapos.

Tunay diba? (tama ba??) masaya, masarap, nakakaaliw ang magisip at manatili sa loob ng time machine ng kahapon at hinaharap sa loob ng kasalukuyan.

Pero…
ang mahirap lang, pag may pumara..
biglang break si manong!! balabag! umpog! sabay gising sa katotohanan.
(Biglang Gising sa reyalidad na kaninaý pilit na tinatakasan)

Katotohanang lampas kana pala sa destinasyong dapat mong puntahan.

Destinasyong sana kung gising lang ang isip at diwa sa katotohanan habang naglalakbay sa mundo ng hiraya, disin sanaý ang lahat ay nasa ayon at nasa tamang kinalalagyan.

( BADTRIP TALAGA ! kung hindi banaman nag paka adik sa Time Machine KUNO ng katangahan!!! tsk tsk tsk.. late ka na nga lumampas ka pa! hahahahahahahaha hagalpak! )

XD

Advertisements

~ by angmalaya on May 28, 2010.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: