Ang Tamang Tula

( Ano ba ang batayan ng isang maganda at masining na literatura?

Paano nga ba malalaman kung ang isang literatura ay akma sa batayan ng pagiging tama??

Pano ko nga ba malalaman kung ang isang likha ay makata??

Ano nga ba ang batayan ng isang tamang tula?? )


Pinilit kong sumabay

sa indayog ng inyong mga liriko,

mga lirikong binubuo ng mga retorikang

sa bawat bigkas ay parang malamyos na haplos

ng sariwang hangin sa dalampasigan..

haging yumayapos sa buong pagkatao.

(Masarap sa tainga, malumanay sa diwa)

Pinilt ko ding pantayan

ang bawat baybay ng inyong mga pangugusap

mula sa wa-waluhin

hanggang sa la-labing apatin

(dahil, ayan nga daw nga tama, ayan ang isa sa sukatan ng mga makata)

Pinilt ko ding ayusin ang aking mga letra…

ang aking mga titik

upang makabuo ng mga salitang kawangis ng iyong mga salita,

salitang sintamis ng pulot

salitang nagbibigay ng makulay na buhay

sa bawat taludtod ng inyong obra..

ng inyong mga likha.

(ika nga nila.. malalim at matalinhaga)

pinilit ko ring arukin ang inyong mga paksa

mga paksang naglalaro sa makulay na mundo ng pag-ibig

o pantasya…. mahika o pangarap

mga paksang tila nagtatapos sa happy ever after.

mga paksang agaw pansin at malasa para sa lipunan.

(mga paksang tila nakakalason )

( ilan sa mga paksang ni sa hinagap ay di ko pa naman naranasan )

ngunit hala!

sige!

sulat lang! gayahin sila shakespears at wordsworth

( gusto ko kasing maging magaling na makata)

naalala ko nga, sinabi ni maestra

nung ako’y nasa apat na sulok pa ng sekondarya

sila nga ang batayan ng mayhusay

” MAGANDA at MASINING ” na tula.

ngunit…

ako’y napatulala

ito nga ba ang tama?

bakit tila hindi kayang busugin ng malalamyos

na pananalita ang sigaw ng aking

nagpupuyos na diwa??

bakit tila di sumasapat ang supplementong ibinibigay

ng panulat ng mga magagaling na makata??

sa likod ng mahikang dulot ng pulot ng kanilang pluma

ang aking mga mata’y iba ang nakikita??

isang kalunos-lunos na reyalidad

sa likod ng palamuti

ikinukubli ang umaasong asido.

Inihatag upang iyong lunukin

upang iyong sikmurain

hanggang sa wala ng matira….

sa buo mong pagkatao

unti-unti…

dahan dahan…

kang uupurin.

ng lasong ni sa hinagap

ay di mo naisip na ito’y nilikha

upang ika’y kitlin.

Kitlin ang dating malaya’t ngayo’y

nakakulong na diwa.

( Nakakalungkot isipin, na hindi ko kayang sundin, ang batayan ng isang makata, sa paglikha ng perpektong obra.

Di ko kayang sundin ang mahusay na batayan ng isang matalinhaga’t masining na sulatin.

Ang tamang tula.. ni minsan ay diko kayang likhain )

Advertisements

~ by angmalaya on July 6, 2010.

One Response to “Ang Tamang Tula”

  1. […] Ang Tamang Tula « Street Spirit […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: