Isang Laro Sa Walang hanggang Palasyo (ni Kamatayan)

By: Den

walang pantay ang lantay at inosenteng ngiti ng mga musmos sa lansangan, tila isang magandang panaginip, tila walang problema, tila ang buhay ay isang magaang na laro.Parang bahay bahayan lang, na pagnapagod ka at pag namutawi sa mga munting bibig na ayaw ko na.. ay pwede at madaling kumawala. ang sarap kung ganon. Pero, ano nga ba ang naghihintay pag labas mo sa mundong likha ng malikot mong isipan?? ano nga ba ang itsura ng reyalidad na yayapos sa buo mong pagkatao.. sa iyong kalamnan??

Minsan naiisip kong ang sarap maging bata, ang sarap maging musmos, inosente, mahiwaga ang takbo ng kanilang mundo, walang alam sa kung paano tunay na tumatakbo ang mundong ginagalawan ng tulad kung ituring ay nasa husto na ang gulang, sa kung ano meron ang reyalidad. Malayo sa mabibigat na tungkulin, malayo sa mabibigat na obligasyon at pasaninAng sarap nilang tingnan habang naglalaro, naalala ko tuloy nung ang alam ko lang gawin ay magkipagpatintero at makipagtuang pong. Sarap ng pakiramdam, ang sarap sariwain ng nakaraan.

Musmos, mga anghel na tila paraiso ang masalimuot na mundo. Nakakainggit

Ngunit.. tama nga ba na sila’y kainggitan, tama nga ba ang aking pagkakasuma?? na sa murang edad ay ligtas sila sa hagupit ng mapangaping lipunan, sitema o reyalidad?

Parang nabasag ata ang larawang aking iginuhit, tila nabahairan ata ng makapit na mantsa ang larawang kani-kani lang ay aking kinaiinggitan perpekto sa aking pananaw

Ni di sumagi agad sa aking kamalayan na ang ang mundo ko nung ako’y musmos pa lamang ay iba sa mundong kinagisnan ng mga munting kaluluwang ang tanging kaharian at palasyo ay ang kalsada.

Na ang patintero na kanilang nilalaro ay iba rin sa patinterong aking kinasanayanang kanilang patintero na ang  kalaro’y makapal na usok mula sa mga trak at jipni sa kalsada, habang walang saplot ang mga paa sa gitna ng umaasong aspalto na hitik din sa alabok, sa gitna ng nakakapanghinang tirik ng araw. Patinterong na kung saan pag ikaw ay nataya, wala ka ng kawala.

Hindi rin sumagi sa hugkang kong kamalayan na ang taguang pong kanilang nilalaro ay malayo sa taguang pong aking kinaaaliwan. Na ang taguang pong sanay silang laruin, si kamatayan ang naghain. Pag kagat ng dilim, pag hayo nila sa karimlan ng walang kasiguraduhan, sa eskinitang masikip, kung saan sila nagkukubli, dala ang punyal na maaring magtatawid sa isang araw na paghilab ng sikmura ay sya ring mitsa ng munti nilang buhay. Lalo na pag ang mga walang kaluluwang asong ulol na nag kalat sa kalsada ang nakabingwit sa kaluluwang ligaw na napaglalaruan lamang ng sitwasyon, andar ng  bulok na sistema, gulong ng kung tawagin ng karamihan ay kapalaran.

Boom! Home run ka, sa kanlungan ni kamatayan.

tila nga ba masarap maging bata, masarap maglaro, masarap maging magpalipad ng kaiispan, masarap bumuo ng anaginip lalo na’t gamit ang inosenteng kamalayan, masarap tumakbo sa malayang palasyo ng walang hanggang….

ngunit hanggang saan.. (hanggang larawan na lang ba??)

hanggang kailan? (hanggang sa pagtutok nalang ba ng mekanismong kadalasa’y kabaligtaran ng katotohanan ang ipinapakita?)


Advertisements

~ by angmalaya on July 6, 2010.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: