Blog Action Day for the Farmworkers of Hacienda Luisita (via Anakbayan Online)

•August 18, 2010 • Leave a Comment

Show your support for the peasants of Hacienda Luisita by joining the Blog
Action Day this coming August 18, spearheaded by Anakbayan Phils in line
with the National Day of Outrage on the compromise deal.

Ibasura ang Compromise Agreement!Ibasura ang Stock Distribution Option!Ipamahagi sa magsasaka ang lupa ng Hacienda Luisita!Ipaglaban ang tunay na reporma sa lupa!Itigil ang militarisasyon sa Hacienda Luisita!Hustisya para sa magsasaka ng Hacienda Luisita!Suportahan ang laban ng mga magbubukid ng Hacienda Luisita!

Blog Action Day for the Farmworkers of Hacienda Luisita For decades, the farm workers of Hacienda Luisita have fought for their right to own the land they till, as well as the right to a decent livelihood and existence, against one of the most powerful families in the country. Their struggle has been marked by a strike in 2004, a massacre in response, and the assassination of some of the farm workers’ supporters. In the latest twist in this saga, the management of Hacienda Luisita has claimed a ‘compr … Read More

via Anakbayan Online

Perpektong Panaginip

•August 11, 2010 • Leave a Comment

By: Daday

Ilang libong hakbang pa ba… para sa unang pagtapak ko sa lupang matagal nang panginip?

Nakakainip ang paghihintay na ito, tila walang patutunguhan,tila walang magbabago.Hanggang sa aking huling buntong hininga, mananatili nalang bang ganito? kailan pa darating ang araw na pinaglaanan ng dugo’t pawis,ng madaming pagpatak ng luha sa sakit na tiniis, at ng tila kahangalang pagaalay para sa tanging pamilya.

Mahabang taon pang paguupos ng kilay ang aking gugugulin sa apat na pader ng kwadradong silong ng kaalaman. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa iikot ang aking mundo sa paaralan, hindi ko alam kung kailan ba tuluyang mauupos ang aking kilay.Walang kasiguraduhan ang lahat, ni hindi ko din alam kung makakaya pa ba ng bulsa ng aking mga magulang na mahintay na maupos nang lahat ang mga kilay na ito lalo pat ngayon ang bayang ito’y tila nagkakait na sa mga mumunting nangangarap.

Wala namang kasiguraduhan ang lahat,hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng kapalaran sa pagtungo natin sa sunod na yugto ng ating mga buhay. Matapos ang matinding pagpupursiging paglangoy sa pagkatuto,ang akalay papalapit na hakbang patungo sa pinapangarap ay hakbang palang pabalik sa pinanggalingang kahirapan.

Sa bulok at lalo pang nabubulok na sistemang umiikot sa lipunan,at sa mga ganid at mapaniil na mga naghahari harian sa sambayanan, para sa mga ibinaon ng lipunan, ang liwanag ng araw ay tila imposible pang masilayan at ang mga pangarap ay mananatiling titingalain sa mga bituin.

Gaano pa ba katagal ang paghihintay na ito? ilang tsinelas pa ang kailangang maupod bago pa marating ang perpektong panaginip na hinubog ng sandaling pagidlip.

•July 10, 2010 • Leave a Comment

By: Daday

Muli nanamang sumapit ang oras ng paulit-ulit na parusa.Sa paglubog ng pulang tanglaw sa kalangitan, unti-unting babalutin ng kadiliman ang lahat ng nasusulyapan ng mga mata, at kasabay nitong lulunukin ang aking kaluluwa.

Mga mukha ni Lando

•July 9, 2010 • Leave a Comment

By: Daday

Sa kabilang dako ng marilag na kapaligirang biyaya ng mayamang kalikasan, payapang agos ng mga ilog, maindayog na hampas ng alon sa dalampasigan, at mga huwad na ngiti ng kagandaha sa nilalakarang lupain, nagkukubli ang kalunos lunos na mukha ni Lando.


Matatayog ang mga gusaling ating tinitingala sa sinasabing maunlad na kalungsuran. Sa paglubog ng araw at pag dungaw ng buwan at mga bituin,kasabay nitong magnining ning ang mga ilaw na likha ng mga edipisyong nagpapatamis sa kaaliwan ng mga hangal na mapagpanggap. Kay gandang tanawin mula sa malayo, maning ning at makulay, puno ng buhay at masigla, tila maunlad na estado. Ngunit subukan nating huminto, iikot ang mulat mga mata, buksan ang ating mga tainga, isang palsipikadong lipunan  ang tatanghod sa ating katinuan.


Sa isang oberpass na palagian kong binabagtas sa tuwing magtutungo sa tahanan ng isang malapit na kaibigan, isang lalaki ang palagian kong nakakatagpo. Maitim ang kanyang mga balat na halatang sinunog ng matagal na pagbabad sa araw. Wala siyang saplot pang taas, tnaging ang maduming syorts nya lamang ang pambalot sa kanyang sarili. Hindi rin sya gaanong katandaan, marahil ay kasing edad lamang siya ng aking ina. Sa ilalim ng matinding sikat ng pulang tanglaw sa itaas, naroon siya’t nakaupo lamang,nagaabang ng mga magdaraang tao mapaglalaharan niya ng kanyang mga kamay, umaasang masasayaran ng kaunting barya. Kung minsan nama’y isang palstik na baso ang nasa kanyang tabi,lagayan ng mga baryang kanyang napanglimos.

Sa kabila ng ingay ng mga sasakyang nagdaraa’t maruming usok na inilalabas nito, Sa ilalim ng matinding sikat ng araw ng katanghalian, naroon lang siya’t nananatili sa pagkakaupo, di alintana anu man ang sabihin ng mapanghusgang bibig ng mga nagdaraan, maging ang maruruming tingin ng kanilang mga mata. Umaasa na di magtatagal ay dadampi rin sa kanyang palad ang mga baryang matagal nang hinihintay o di kaya’y tutunog din ang baso sa kanyang tabi.

Sa bawat kalsadang madaraanan, sa bawat kalyeng malalakaran, mga batang marurungis, sira’t puno ng dumi ang mga saplot sa katawan, ang sumasalubong sa bawat magdaraan upang manghingi ng habag na sana’y maabutan ng konying panlamang tiyan.

Sa mga daang-bayan sila nakikipagpatinteo sa mga sasakyang magdaraan. Walang takot na naglalakd sa gitna ng mga mabibilis na sasakyan. At sa pagliliwanag ng pulang ilaw, agad silang kakatok sa mga sasakyan, tatanghod ang mga mukha sa mga salamin, umaasang pagbubuksan ng bintana’t maaabutan ng baryang inaasam asam. Muli kasabay ng pagliliwanag ng berdeng ilaw sa kalsada, mabilis silang makikipagunahan sa mga sasakyan upang agad na marating ang bangketang sasagip sa kanilang mga buhay.

Pamilihan, pelengke, terminal ng sasakyan, maging sa labas ng mga simbahan, naroon sila kung saan malakas ang kilansing ng mga barya. Mga anghel sa lansangan pinagkaitan ng mga pakpak. Sa kalye naghanap ng kanlungan sa naghihikahos na kalamnan, Kalsada ang ginawang panghilab sa matinding hampas ng kanilang kapalaran.

Sa ating paglingon sa bawat lugar na papadparin ng mga paa’t susulyapin ng mga mata, tahimik na nagsusumigaw ang mga damdaming nga mga pinalarisa  ng matinding sakit ng lipunan.

Maging ang mga pader, ding ding, poste’t mga puno, pilit binibingi ang mga inutil na may sala sa mabilisang pagkalat ng malalang sakit ng ating bayan. Nagkalat sa mga lansangan, maging sa paaralan ang mga hiyaw na tila hindi pinakikinggan ng mga hunyangong nasa itaas. Mga pader na nagapakita ng katotohanan, mga posteng isinisigaw ang tunay na kalagayan, mga kapirasong papel at pinturang gumigiba sa mga huwad na harang na pilit ikinukubli ang rayalidad.

Sa likod ng huwad na imahe ng kagandahan, naroo’t nakakubli ang tunay na mukha ni Lando, mukha ng katotohanan, mukha ng reyalidad.

Huminto. Imulat ang ating mga mata sa bawat sulyap sa kapaligiran. Buksan ang mga tenga’t pakinggan ang mga sigaw na gigising sa katotohanan.

IHIP

•July 8, 2010 • Leave a Comment

By: Daday

Kasabay ng pagihip ng mayuming hangin, dala dala nito ang aking hiniga.

Payapa,Presko, mahalimukayak, malamig ang hanging dumampi at bumalot sa aking buong katawan. Uniti unti, dahan dahan, natali ako sa pakiramdam na dulot nito sa akin.Pakiramdam na walang hanggan, walang kundisyon, at pikit na lalasapin ang mundong iniikutan.Ibinuka ko ang aking mga kamay sa langit at ngumiti sa araw, hinayaang ang pakiramdam ay lumipad kasabay ng mga ibon sa himpapawid.

Sa gitna ng kalunuran, ginising ako ng patak ng ulan na dumapi sa aking mga pisngi, at unti unti, binasa nito ang aking buong katawan. humampas ang malakas na hangin at itinaboy ang mayuming hangin. Sa pagpatak ng tubig sa lupa, itinaboy nito ang payapang ulap at tinakpan ng maitim na langit ang sinag ng araw. Akoy namulat at tumindig sa paligid. Sa paggalaw ng aking dib dib, Naramdaman kong nanatili pa din ang kakaibang pakiramdam na dala ng Payapa,Presko, mahalimukayak, malamig na hangin,patuloy ako nitong binabalutan.Sa aking paglingon, tuluyan ng nawala ang mayuming hangin, dala dala nito ang aking hininga.

Sa Ngalan Ng Tula

•July 7, 2010 • Leave a Comment

by: Allan Popa

Ganap kang tumalikod
Upang kausapin ang kawalan.

At matagal akong tumayo sa katahimikan
Na iyong iniwan: katahimikan ng mga salita
Na hindi piniling sabihin.

Sa layo ng iyong paglayo kita tinatanaw
Mula sa lunan ng pagkakawalay
Na hindi muling mababalikan.

O kawalan na hindi natin kayang talikuran:
Kanluraning katahimikan na hindi kailanman
Matatahimik ang kahulugan

Paalam, ang mahina kong bulong.
Saglit mong nilingon ang pag-ibig

At nagpatuloy.

Para sa Poong Nahihimlay

•July 6, 2010 • Leave a Comment

panaghoy kay bathala.

Bughaw na langit

Pulang Lupa.

Mga kaluluwang ninakawan ng pag-asa.

 
%d bloggers like this: